Quantcast
Channel: Super Gulaman!
Viewing all articles
Browse latest Browse all 48

Tingi Culture

$
0
0
Halos matagal-tagal na din pala ako sa Pinas.  Siguro mga nasa dalawang buwan na din. Ibig sabihin halos dalawang buwan na din akong walang trabaho. Walang income, walang pera. Gala, gastos, gastos, gala yan ang tema ko ngayon.  Astang mayaman kahit wala naman.  Astang may pera kahit butas na ang bulsa. Sabihin natin na bilang isang manggagawa sa ibang bansa na hindi naman talaga madali ang umuwi sa Pinas kung wala ka naman talagang limpak-limpak na salaping naipon. Kung meron mang kaunti siguradong ubos din yun kahit sabihin pa natin na mas mura pa din ang bilihin sa Pinas kumpara sa ibang bansa. Pero mura nga ba talaga?

Kung tutuusin ang"tingi" culture na meron tayo dito ang siyang dahilan ng hindi kagandahang asal sa paggasta ni Juan.  Halimbawa, marami sa ating mga kababayan ang mas bibili ng tig-5 pisong pakete ng kape kumpara sa isang pack nito.  Bakit? Dahil sa puntong iyon, yun lang ang meron tayo sa ating bulsa. Hindi lang sa mga gitnang uri ng tao sa Pinas kundi lalo na sa masang isang kahig, isang tuka. Noon pa man, alam na natin ang tinging paminta, asin, vetsin na sa paglipas ng panahon ay naging kultura na. Isang kilong bigas, dalawang stick ng sigarilyo, isang pakete ng noodles, isang tasang kape, 1/8 na kilo ng asukal, 50 sentimos na kendi, 2 pisong fishball, 5 pisong pasa load, 1 sashet ng shampoo, isang sashet ng lotion, facial wash, deodorant at ngayon kalahating tasang kanin (half-rice) at sa susunod magiging batas na daw yan..Wow! Onli in da Pilipins!  Ganito ang kultura sa Pinas, mura ang bilihin sa tinging pamamaraan, yung tipong makaraos lang ang maghapon.  Eh paano naman ang bukas? Syempre tingi ulit.  Kung susumahin, mas malaki ang magagastos mo sa mga tinging nakonsumo kumpara sa bultong nabili.

Kaya nga hindi na din ako nagtataka sa mga OFW na nagbabakasyon na sinasabing masyadong mahal na ang bilihin sa Pinas.  Pero kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga mahal, ang totoo nyan napapasarap lang talaga ang iyong paggasta kasi "tingi" nga. Hindi mahal, pero sunod-sunod ang paggasta.

At sa kadahilanang ganito ang kultura sa Pinas, ganito din tayo asintahin ng mga kapitalista at mga negosyante. Ang Nestle, Procter & Gamble, Uniliver, SM… name it. Lahat ng mga yan ay mayaman na dahil sa tinging kultura sa bayan ni Juan. Pero alam mo ba ang masakit? Ganito din kasi tayo asintahin pulitikong lalong nagpapahirap sa kawawang Juan de la Cruz.  Tinging edukasyon, tinging serbisyo medikal, tinging serbisyong pampubliko—mga tinging serbisyo na halos dekada na bago matapos. Mga serbisong kunwari ay totoo, patitikim ka ng kauting sarap. Tikim pa, hanggang sa mahulog ka. Suhol ng kaunting halaga, yari ka!


Tingi-tingi. Mga kalakarang lumilimas sa mga nalalabing piso sa palad ni Juan. 




Viewing all articles
Browse latest Browse all 48

Trending Articles


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Two timer Sad tagalog Love quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.